Walang Sugat Essay
3887 Words16 Pages
Walang Sugat ni Severino Reyes
Unang Yugto
Tagpo 1.a: Sa loob ng isang bahay
*kantas*
Julia: Iligpit na ninyo ang mga bastidor at kayo’y umalis na.
Tagpo 2.a
Teňong: Julia, patingin nga ng binuburdahan mo
Julia: *ilalayo ang panyo kay Teňong. Pipilitin ni Teňong na makita ang panyo pero pilit itong inilalayo ni Julia* Huwag na, Teňong. Huwag mo munang tingnan, masama ang pagkakakayari. Saka na lang, kapag maganda na. Sa ibang araw, ipapakita ko sa iyo.
Teňong: Posible ba na ang mga daliring ito, na hagod kandila, na parang nilalik na maputing garing, ay may yayariin na hindi maganda? Hala na, titingan ko lamang saglit…
Julia: Wag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko!
Teňong: Ay! (
Julia: Anong lalim ng buntong-hininga. Lalo ko pang pagagalitin…
Teňong: Julia, Julia ko… Hindi na ko nagagalit, patawarin mo ako…
Julia: Masakit sa akin, magalit ka at hindi, laging bagay!
Teňong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, na ito ay nakita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko!
Julia: Hindi ah! Nagkakamali ka… Hindi para sa iyo ang panyong iyan.
Teňong: Kasinungalingan! At kanino namang pangalan ito… A, Antonio, N, Narciso at F, ay Flores!
Julia: Hindi mo pangalan iyan. A-, sa amang iyan! Iya’y iaalay ko sa kaniya ngayong kaarawan ng Pasko.
Teňong: Hindi pala akin ah! Kung sa amang o sa demonyo ma’y bakit ang letra’y A, N at F?
Julia: Oo nga, ah, eh, pagka’t ang A ay amang, ang N ay natin, at ang F ay frayle. Amang natin frayle.
Teňong: Amang natin frayle? Niloloko mo ba ko? Laking kaalipustahan! Huwag mo kong aglahiin tungkol sa mga taong iya’t madaling magpapanting ang tainga ko!
Julia (to self): Aba, at nakaganti na ako!
Teňong: Julia, magsabi ka nga ng totoo! Para sa Kura nga ba? Kapag di ko sinilaban ay sinungaling ako…
*kantas*
Tagpo 3.a
Juana: Julia,