Lakbay-Aral Essay

799 Words4 Pages
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PANANALIKSIK Introduksyon Isang di makakalimutang karanasan ang lakbay-aral. Lahat nananabik kapag ito na ang pinag-uusapan. Halos lahat hindi makatulog sa gabi bago ang lakbay-aral. Halos lahat nakangiti, nagtatawanan at nagkakaroon ng imahinasyon sa lahat ng mga kaalamang matutunan at sa magiging karanasan kasama yung mga kaibigan. Isa na siguro sa pinakamasayang parte ng buhay pag-aaral ay ang pagkakaroon ng educational tour o yung tinatawag na field trip taun-taon. Isinasagawa ang field trip upang matuto ang mga estudyante ng mga bagay na hindi nila matututunan sa apat na sulok ng silid aralan, kaya naman ang pagpunta sa iba’t ibang makasaysayang pook at ang pagbisita sa mga di pangkaraniwang gusali ang karaniwang ginagawa dito. Unang una kaya tayo nagkakaroon ng lakbay aral upang malaman natin ang iba’t- ibang lugar sa ating bansa at higit sa lahat ay upang madagdagan ang ating kaalaman. Matututo ka habang naglalakbay at napupuntahan ang iba’t-ibang lugar. Ang field trip ay nangangailangan ng malaking pagpaplano at koordinasyon para sa mga guro at administrator, ngunit ang mga mag-aaral ay madalas na makita ang isang field trip ay isang libreng araw sa labas ng silid-aralan. Gayunpaman, ang mga mag-aaral ay malamang na magkaroon ng isang pang-edukasyon na karanasan na hindi kailanman maaaring magkaroon sa silid-aralan. Ang field trip ay mahalaga sapagkat ito ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataon upang matuto. Gayundin, ang paglalakbay na magbibigay sa kanila ng pagkakataong makakita ng iba't ibang mga lugar at matuto ng mga bagong bagay ng malapitan at personal. Ang lakbay-aral ay isang instrumento na pang-edukasyon. Maaari itong makatulong sa mga guro upang suportahan ang mga aralin at gamitin ang kapana-panabik na karanasan upang hikayatin ang mga mag-aaral. Ito’y naglalayon upang obserbahan ng mga

More about Lakbay-Aral Essay

Open Document