Ilegal Na Droga, Salot Sa Lipunan

750 Words3 Pages
Magandang tanghali sa inyong lahat, ako ang inyong ispiker ngayong araw na ito. Bago ko simulang ibahagi ang aking saloobin ukol sa problema ng ating syodad ngayon, gusto kong itanong muna sa inyo kung hanggang saan ba ang inyong kamalayan ukol sa ating kapaligiran sa ngayon? Bilang isang parte o mamamayan ng ating bansa, marapat na alam natin ang nangyayari sa ating kapaligiran dahil ito ay isa sa ating mga responsibilidad upang malaman natin kung ano ang nararapat o masnararapat na gawin patungkol sa iba’t ibang pangyayari sa ating kapaligiran. Dahil sa masyadong malawak ang mga problema ng syodad, napagpasiyahan ko na pumili na lamang ng isa sa mga problema na hinaharap n gating bansa sa ngayon, at ito ay ang pagtaas ng populasyon ng mga taong gumagamit ng droga sa ngayon. Bagamat hindi man ganoon kaputok ang balita patungkol sa paggamit ng ilegal na droga sa ngayon, marami pa rin ang nahuhuling mga tao na nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga. Hanggang saan ba an gating kaalaman ukol sa droga? Ano ba ang epekto nito? Bakit tinatangkilik ito ng marami? Nararapat bang gawing dahilan ang kahirapan sa paggamit ng droga? Ano ba ang nararapat nating gawin upang masugpo o mabawasan man lang ang gumagamit ng ilegal na droga? Kapag sinabi nating ilegal na droga, mabilis sumasagi sa ating isipan na ito ay mga pinaghalo-halong kemikal na nakasasama sa ating pag-iisip at sa ating katawan. Subalit, meron din na nagsasabi na ang ilegal na droga ay nakabubuti sa ating kalusugan. Ayon sa mga taong nakagamit na ng ilegal na droga, ginagamit lang daw nila ito upang malimutan saglit ang kanilang kumakalab na tiyan at upang makalimot din daw sa problema. Ang iba naman ay sinasabi na maganda raw ito sa ating kalusugan dahil maaring gawing gamot ito sa iba’t ibang sakit tulad ng Heroin na maaring gawing pain reliever; Amphetamines na maaaring gawing gamot para sa stroke

More about Ilegal Na Droga, Salot Sa Lipunan

Open Document