Ibong Adarna Essay

332 Words2 Pages
Ang kaharian ng Berbanya ay masayang pinamumunuan ni Haring Fernando kasama ang kanyang reyna na si Reyna Valeriana at talong anak na sina Don Pedro,Don Diego at Don Juan. Isang araw ang lahat ay nalungkot nang ang hari ay dapuan ng isang karamdaman. Isang manggagamot ang nagsabing ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang Ibong Adarna. Ang unang naglakbay upang hanapin ang ibon ay si Don Pedro subalit nang hindi siya nakabalik ay si Don Diego naman ang naatasan maghanap sa ibon. Katulad ng kapatid ay hndi rin nakabalik si Don Diego. Mabigat man sa kalooban ay pinayagan ng hari ang bunsong si Don Juan upang siya naman ang humanap sa Ibong Adarna at sa dalawang hindi nakabalik na kapatid. Sa paglalakbay ay nakatagpo ni Don Juan ang isang ketongin at ito’y nilimusan niya ng pagkain. Ito ang nagturo sa kanya sa Ermitanyong magtuturo sa Ibong Adarna. Nang magtagpuan ang ermitanyo ay sinabi ni Don Juan ang pakay. Itinuro naman nito ang lahat ng kanyang gagawin para mahuli ang ibon. Nagtagumpay si Don Juan sa paghuli sa Ibong Adarna at nailigtas ang mga kapatid na naging bato. Subalit isang kataksilan ang binalak nina Don Pedro at Don Diego. Pinagtulungan nilang bugbugin at iniwan sa gubat ang bunsong kapatid upang sila ang magtamo ng karangaalan sa pagkakahuli sa ibon. Samantala, si Don Juan na naiwang lupaypay at sugatan ay pinagpalang mailigtas ng isang matandang ermitanyo. Nang gumaling ay pinayuhan ng matanda na umuwi na sa Berbanya upang abutan ang ama. Sa Berbanya ay ipinagmalaki nina Don Pedro at Don Diego na sila ng nakahuli sa Ibong Adarna. Nalungkot ang hari nang makitang wala si Don Juan. Sa pagtataka ng lahat ay hindi man lang nag parinig ng awit ang Ibong Adarna. Dumating si Don Juan sa kaharian. Dito na nagsimulang pagpasikat ang ibon. Umawit ito at nagpalit ng maningning na balahibo at isinalaysay ang buong pangyayarimula sa kataklsan ni

More about Ibong Adarna Essay

Open Document