Hinggil Sa Katamaran Ng Mga Pilipino

643 Words3 Pages
Bukod sa Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon (The Philippines a Century Hence), isa rin ang La Indolencia de los Filipinos sa dalawang sanaysay ni Jose Rizal na nailathala sa La Solidaridad. Ang La Indolencia de los Filipinos ay unang lumabas sa Madrid na may limang yugto o bahagi na lumaman sa pahayagan mula noong ika-15 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Setyembre, 1890. Ang sanaysay ay bahagi ng kampanya ni Rizal sa edukasyon kung saan kapwa mga Pilipino— sa kanilang pagkukulang na ipaglaban ang sariling mga karapatan at mga Kastila— sa kanilang tiwaling pamamahala ang itinuturong dahilan ng naturang katamaran (Craig, 1913). Ang katamaran ay ang kauntian ng pag-ibig sa paggawa at kakulangan ng sipag. Ayon kay Rizal, tulad ng isang karamdaman, kapwa ang manggagamot at ang may karamdaman mismo ang makapagbibigay-lunas dito. Habang ang mga Pilipino ang may karamdaman, tinukoy na ang mga pamahalaang Kastila naman ang manggagamot. Bago ang pagdating ng mga mananakop ay hindi tamad ang mga Pilipino. Nagbubungkal sila ng lupa, gumagawa ng mga kasangkapang pandigma at nakikipagkalakal sa mga karatig bansa. Ang pinagtatrabahuhan ay labis upang buhayin ang sarili at pamilya. Ilan sa mga tinumpok ni Rizal na sanhi ng katamaran ay ang mga sumusunod. Una ay ang mainit na singaw ng lupa na likas sa ating lugar. Binanggit ni Rizal na gaya ng pag-uudyok ng malamig na klima sa pagkilos at paggawa, ang mainit na klima naman ay nag-aanyaya ng pananahimik at pagpapahinga. Ibinato niya pabalik sa mga banyaga ang paratang ng katamaran sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa mga ito kung sino ang naliligid ng mga alipin na tila walang mga sariling kamay at paa. Ipinunto pa niya na hindi dahilan ang kasanayan sa mainit na klima sa labis na pangangailangan sa serbisyo ng mga Indio. Hindi ang mainit na klima, aniya, kundi ang pagtangging makibagay dito ang dapat sisihin ng mga Kastila. Ang

More about Hinggil Sa Katamaran Ng Mga Pilipino

Open Document