Damit Essay

367 Words2 Pages
Boses ni Mama ang laging gumigising saakin sa umaga sa tuwing may pasok sa eskwela o ako’y may importanteng lakad. Ginigising niya ako nang maaga upang hindi ako malate sa aking pupuntahan. Gawi nya na iyon. Ika nga siya ang aking ‘Human Alarm Clock’. Isang sabado ng umaga, matapos kumain ako’y dumiretso na sa banyo upang maligo, habang iniisip ko kung ano ang aking isusuot para sa binyag ng aking pinsan. Matapos maligo bubuksan ko ang malaking kabinet sa tapat ng aking kama. At natambad sa aking paningin ang mga damit na maayos na tinupi at inihilera ni Mama. Naupo ako sa kama at nagmuni muni kung ano ang aking isusuot sa araw na iyon. “Ah! Wala na akong damit. Kailangan ko na ng bagong mga damit.” himutok ko sa aking sarili. Nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at tumambad sa aking paningin si Mama. “Bakit ba ang tagal tagal mo? Anong oras na oh? Baka hindi na tayo umabot sa binyag nang pinsan mo kung ganyan kakupad ang kilos mo.” Naiiritang sabi ni Mama. “Ma, wala na akong maisuot. Wala na akong damit.” gagad ko naman. “Ano kamo? Damit? Eh ano ang tawag mo sa mga iyan?” sabay turo sa mga nakahanger at nakatuping damit sa aking kabinet. “Pero Ma naisuot ko palamang ang mga iyan.” Sabi ko naman. “At ano ang ibig mong sabihin? Na hindi ka maaaring umulit ng damit?” Bilisan mo na at naiinip na ang papa at mga kapatid mo sa baba,” Matapos sabihin iyo’y lumabas na ng kwarto ko si mama. Agad naman akong tumalima at isinuot na lamang ang aking kulay rosas na bestida. Habang sakay ng kotse papalabas sa tarangkahan ng aming bahay ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang isang batang lalakingnanlilimahid suot ang tagpi tagpi at gulagulanit na damit habang naghahanap nang makakain sa basurahan. Bigla akong natigilan sabay pasok sa aking isipan nang tagpo kani-kanina lamang habang ako’y naghihimutok dahil wala na akong maisuot . Paulit-ulit kong naririnig

More about Damit Essay

Open Document