Dahilan Ng Pagrerebelde Ng Kabataan

1715 Words7 Pages
Kabanata 1 Suliranin at Saligang Pangkasaysayan Introduksyon Ang pamanahunang papael na ito ay nagpapatungkol na ang ibang kabataan ay sinasabing hindi na nga nakakatulong sa atin lipunan . Nasasabi ito ng karamihan dahil na rin sa mga kabataang nawawalan ng direksyon sa buhay at kabataang mapupusok at mga kabataan na madalas na napapa away . Sa ngayon kung oobserbahan natin ang mga kabataan sa ating lipunan mabibilang na lamang ang matitino na kahit ang mga babae na rin ay makikitang parang wala na ring respeto sa kanilang mga sarili sa kanilang mga inaasta . Katulad na lamang ng paninigarilyo at kung minsan pa nga ay may makakasalubong ka pang mga nakainom pero mga naka uniporme . Oo nga at masasabi rin nating may kanya kanya tayong kinakaharap na problema sa buhay subalit , solusyon nga ba ang paninigarilyo , pag inom at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ? Isa pa rito ang mga kaugalian o mga paniniwala ng mga ibang kabataan na parte ng kanilang relasyon ang pakikipagtalik na wala nang kaso sa kanila ang pakikipagtalik sa hindi naman nila asawa na natural na lamang daw yun sa panahon natin ngayon . Ito ba talaga ang sinasabing “Kabataan pag –asa ng bayan ” ? Saligang Pangkasaysayan * Ano nga ba ang nag uudyok sa kabataan upang gawin ang mga bagay na alam naman nilang ikakasama ng kanilang kinabukasan ? * Ano ba ang mga saloobin ng mga kabataan kung bakit sila humahantong sa mga ganitong paniniwala ? * Bakit ba kung minsan umaabot pa ang iba sa puntong gagamit pa sila ng droga para sa kanilang pag rerebelde ? Balagkas Konseptual / Teoritikal STATISTICS - TEEN DRUG USE, ABUSE AND ADDICTION Paglalahad ng Suliranin Masasabing ang mga nag uudyok sa ibang kabataan sa mga ganitong mga gawain ang ang kanila na ring mga kaibigan . Na kapag naglalahad ang mga ito ng problema ay sasabihing “ tara inom tayo mawawala

More about Dahilan Ng Pagrerebelde Ng Kabataan

Open Document