Ang Paglilitis Kay Andres Bonifacio Reaction Paper

654 Words3 Pages
Para sa isang kabataang tulad ko, sino nga ba si Andres Bonifacio? Isa ba siyang kakampi o traydor sa lipunan? Bayani bang maituturing o isang kaaway? “Andres Bonifacio a tapang a tao Aputok a baril, hindi a takot Aputok a kanyon, hindi atakot Aputol a tee-tee, atakbo atulin.” Ang tulang ito ay madalas kong naririnig sa aming klase habang tinatalakay namin ang buhay ni Andres Bonifacio. Nabanggit din siya sa pinanood naming pelikula ni Mario O’Hara, “Ang Paglilitis kay Andres Bonifacio”. Para sa iba, tinuturing nilang “nonsense”ang tula na ito. Totoo naman diba? Pero kung titignan mo sa isang banda, inilalarawan niya si Bonifacio sa isang salita- matapang. Sa mga bayani na lumaban para sa kalayaan ng ating bayan, pangalawa si Bonifacio sa mga hinahangaan, sumunod kay Rizal. Minsan nga ay pinag-aawayan pa kung sino ang karapat-dapat na maging pambansang bayani ng Pilipinas. Ang dalawang ito ay magkasalungat. Si Bonifacio ay mahirap, hindi nakapag-aral; samantalang si Rizal naman ay mayaman, may pinag-aralan. Habang si Rizal ay gumagamit ng pluma at tinta para lumaban, si Bonifacio naman ay sandata na nababalot ng dugo ang hawak. Habang pinapanood ko ang “Paglilitis kay Andres Bonifacio”, marami akong napatunayan sa aking sarili. Una, nabatid ko na ako ay isang “mangmang”. Siguro kung tatanungin ako ng aking guro tungkol kay Bonifacio, marahil ay yung mga nakalagay sa taas lamang ang masasabi ko. Alam natin lahat na si Bonifacio ang pinuno ng Katipunan. Ang hindi ko alam ay mayroon palang isinagawang halalan sa Tejeros, Cavite, upang pumili ng magiging pinuno ng Rebolusyonaryong Pamahalaan. Sa halalang ito, ang nagwagi ay si Emilio Aguinaldo. Di lubos na natanggap ni Bonifacio ang naging resulta. Dahil dito, inakala na siya ay nagtataksil sa pamamahala na pinamumunuhan ni Aguinaldo. Siya ay pinagbintangan na gumagawa ng kanyang personal

    More about Ang Paglilitis Kay Andres Bonifacio Reaction Paper

      Open Document