Utos Ng Hari

3726 Words15 Pages
UTOS NG HARI ni Jun Cruz Reyes “See you in my cubicle after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang matapos ang klase. Si Mrs. Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin ang adviser namin. Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung gaano ako “katanga” at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga 5. Hindi naman maikatwirang “paano ko di masi-5 kung kalian ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite saka mamimilit.” Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain yung pulang ballpen. Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunaya’y yung kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin. ‘Yung kanyang dazzling Malaysian at ang kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si Miss Kuwan daw kaya wala sa eskwelahan hindi dahil nag-study leave: nagpaabort sa America. Magbi-bell na nang maalala niya ang leksyon naming, ang normalization process sa gobyerno. Sabi nya kangina, “Para tayo maging fully democratic kailangang mataas ang literacy rate.” (Sinabi na ‘yon ni Rizal.) “May sapat na communication system ang pamahalaan at may mataas na moralidad ang mamamayan. At higit sa lahat, kailangang maging westernized ang ating pamantayan. By so doing, hindi tayo magiging unicivilized sa wetern standards. Nang tanungin niya ako, sabi ko’y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema. Halimbawa’y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung

More about Utos Ng Hari

Open Document