Sa Bagong Paraiso

315 Words2 Pages
Nang sila'y tumungong hayskul, magkaibigan parin sila, at magkasama, ngunit meron na silang iba't-ibang nadiskubre tungkol sa kanilang sarili. Isang araw, noong maglalaro sana ang babae't lalake, sinabi ng babae na hindi na dapat sila naglalaro, dahil sila'y binata't dalaga na. Meron na silang nararamdaman sa isa't-isa na higit pa sa simpleng pagiging magkaibigan. Parang sila'y nagmamahal sa isa't-isa. Ito'y napansin kaagad ng magulang ni Cleofe, kaya't sinabi nila kay Cleofe na hindi na silang maaaring magkita ni Ariel. Sinabi nila ang lalaki ay masama, at ito ay dumikit sa utak ni Cleofe. Ito raw ay makakasama sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo sa Maynila. At si Cleofe ay lumuwas patungong Maynila. Pinagbawalan rin ng magulang ni Ariel ang makipagkita kay Cleofe. Sinabi nila na ang babae ay tukso, at dapat raw iwasan ni Ariel ito. Ito raw ay makakasama sa kanyang pag-aral ng kolehiyo sa Maynila. At si Ariel ay lumuwas rin patungong Maynila. Maraming buwan (baka'y umabot na sa taon) ang pagkakahiwalay ng dalawa, ngunit hindi-sadyang nagkita ulit sila habang bumibili ng gamit pang-paaralan. Sila'y nagtitigan lang sa isa't-isa ng mga ilang sandali, at kahit uminbita ang lalakeng kumain, nagtitigan parin sila. Noong tapos na sila sa pagtitig, kumain na sila at naalala nila ang mga karanasan ng nakaraan. At kahit pinagbawalan sila, nagkita parin sila ng maraming beses sa iba't-ibang lugar sa Maynila. Noong nalaman ng mga magulang nila ito, pinagbantaan nanaman sila at sinabi ng ama ni Cleofe na luluwas sila sa ibang bansa. Ngunit hindi na nila sinundan ang kanilang magulang at tumakas sila sa isang maliit na nayon, sa isang bangketa. Doon sila tumira, at doon sila nagtalik. Sila'y nag pre-marital sex (PMS). Noong isang araw habang umuulan, nagkaroon ng pagsusuka sa umaga ang babae. Noong napagtanto niya ang sitwasyon, bigla na siyang umiyak. Ang babae ay buntis

More about Sa Bagong Paraiso

Open Document