Pagbibigay at Pagtanggap

375 Words2 Pages
Paano ka nagbibigay at tumatanggap? Ang pagbibigay ay isa na sa mga nakasanayan kong gawin sa aking buhay. Ito ang aking paraan upang makapamahagi ng mga bagay na aking tinatamasa ngayon na pinagkakaloob sa akin ng Maykapal. Ang pagbibigay kasi ay ginagawa ko ng bukal at taos sa aking kalooban. Tinuruan ako ng aking mga magulang na wag maging maramot at gahaman sa mga biyaya na ipinagkakaloob ng Diyos. Kaya kong magbigay hanggang sa aking makakaya hanggat alam kong nakakatulong ako sa aking kapwa at nakapagbibigay ako ng konting kaligayahan sa kanila. Iba kasi ang pakiramdam na idinudulot sa akin ng pagbibigay, ito’y parang di mapapantayang kaligayahan sapagkat alam kong ako’y nakapagpapasaya ng ibang tao. Ako’y nagbibigay sa maraming paraan, ito’y maaring sa pamamagitan ng pagreregalo, pagpapahayag ng damdamin—pagpapatawad, pagtatanggap, pagmamahal, pagaalaga, o pagtulong sa mga taong kapuspalad. Sa kasalukuyan ay tumutulong ako na turuan ang mga iilang grade school pupils sa aking community service at lagi akong handa upang magbigay ng kasiyahan sa mga kapwa kong nangangailangan. Nagbibigay ako sa abot ng aking makakaya, di ako nagsasawang umagapay at gumabay tungo sa kanilang pag-ahon sa buhay. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi niya ako pinababayaan at pinagkalooban niya ako sobrang biyaya at talento na siyang aking magagamit upang makatulong ako sa ibang kapwa ko. Kapag naman ako ang pinagbigyan ay tatanggapin ko ito nang may halong ngiti at kaligayahan sa aking mga labi at nang may pagpapasalamat. Sa una ay magpapakumbaba at magpapasalamat ako sa mga taong nagbigay sa akin ng regalo o kahit anong klasing tulong pa ang inabot sa akin. Magiging

More about Pagbibigay at Pagtanggap

Open Document