Mana Mana Lang Yan

574 Words3 Pages
“Mana Mana Lang Yan” Gary Granada “Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.” Madalas nating marinig sa ating paligid ang kasabihang ito. Ito ay tumutukoy sa iisang kapalaran kinahahantungan ng magulang at anak. Ngunit sa malalim na pagsisiyasat, maaari nga bang ipagpalagay na kung anong kapalaran ang mayroon ang magulang ay ganoon din ang magiging kapalaran ng kanyang anak? Maaaring nag-ugat ang kasabihang ito sa uganayan na mayroon ang isang anak sa kanyang mga magulang. Mula pagkabata, ang ating mga magulang ang nagiging modelo natin. Sila ang nagsisilbing unang batayan natin sa mga bagay na nakikita o nararanasan natin sa unang pagkakataon. Halimbawa, ang basehan ng kagandahan ng isang bagay. Ibabatay natin ang paghusga sa kagandahan base sa deskripsyon na nalikha natin mula sa tinuro ng ating mga magulang. Ganitong analohiya rin ang makikita natin sa mga desisyon at pangyayari sa ating buhay. Maganda man o hindi, mabuti man o hindi, nagiging inspirasyon o batayan natin ang karanasan ng ating mga magulang sa mga bagay na ginagawa natin. Nasa kamay nating mga anak ang kung paano natin tatanggapin ang ideyang ito. Dalawang klase ang maaring maging pagtanggap natin dito. Una, ang magsilbing aral o babala. Mula sa mga karanasan ng ating magulang, maiiwasan natin ang isang bagay o magagawan natin ng paraan para humantong tayo sa isang parehong tadhana. Kumbaga gagawin nating inspirasyon ang bagay na iyon sa halip na ikahiya at itago. Halimbawa nito ay kung ang mga amgulang natin ay hindi nakatapos ng pag-aaral dahil hirap ng buhay. Sa halip na magsawalang kibo na lang at yakapin ang kaparehong kapalaran, magsisilbi itong inspirasyon sa atin para gawin ang lahat at magsumikap para makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan. Pangalawa, ang maging inspirasyon sa hindi mabuting paraan. May mga pagkakataon na kapag tinatanong ang isang bata tungkol sa hindi

More about Mana Mana Lang Yan

Open Document