Thesis Essay

1476 Words6 Pages
Sabjek : Filipino Propesor : Jorge Cuajao Pamagat : Sanhi at Bunga sa Patuloy na Pagtaas ng Presyo ng mga Pangunahing Bilihin 1. ABSTRAK Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay isa sa mga pangunahing problemang hinaharap ng mga mamamayang Pilipino ngayon at bunga nga nito ang kahirapan. Sa sitwasyong ito, bahagyang tataas ang mga presyo dahilan sa iba’t ibang factors na nagdudulot naman ng mga positibo at negatibong epekto sa mga mamamayan at sa ekonomiya ng bansa. Ang mga isyung hinaharap sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay ang pinakasanhi at bunga nito at kung paano ito masolusyonan, nang ganun ay mabawas-bawasan ang pagdaranas ng kahirapan. Pati na rin ang mga taong may kapakanan dito. Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga sanhi at bunga sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan: a) Anu-ano ang mga sanhi sa patuloy na pagtaas ng presyo na mga pangunahing bilihin?; b) Anu-ano naman ang naging bunga nito?; c) Ano ang posibleng aksyon para sa suliraning ito? Ang disenyong Deskriptib-Analitik Sarbey ay siyang gagamiting disenyo sa pananaliksik na ito. Tinangkang inilalarawan dito ang mga impormasyon batay sa mga nakalap na datos. Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay ang limampung tindero’t tindera at mga mamimili. Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay sarbey-interbyu kwestyunir na kung saan ang mga mananaliksik ay magtatanong sa mga respondente na siyang pagkukunan ng mga datos. Ang mga nakalap na datos ay pagsama-samahin at tutukuyin ang mga pangunahing opinyon ng mga respondente hinggil sa suliranin. Saklaw nito ang mga tindero’t tindera at mga mamimili sa iba’t ibang palengke ng Tagbilaran, Bohol. Ito ay limitado lamang sa datos na nakalap sa mga respondente at hindi na ibinabahagi ang ibang aspeto sa

More about Thesis Essay

Open Document