Sikolohiyang Pilipino Essay

1151 Words5 Pages
Ano ang kahulugan ng kultura at ano ang kahalagahan nito sa akin bilang isang mamamayang Filipino? Ang kultura ay ang mga gawi sa pang-araw-araw ng mga tao. Ang bawat grupo ng tao ay may sarisariling kultura na makakaimpluwensya sa bawat isang pagkatao. Ang kultura rin ay kabuan ng mga tradisyion, paniniwala at kaugaliang natutunan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan . Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo. Bilang isang Filipino ang kultura ay pinahahalagahan ng bawat isa. Naging isa itong gabay sa ating mga Pilipino kung papaano tayo mamumuhay sa araw-araw na buhay. Nang dahil sa mga kulturang Pilipino nahubog ang ating mga pagkatao natin bilang isang tunay na Pilipino. Isipin na lang natin na kung walang ang mga ito, wala rin tayong pagkatao bilang isang Pilipino. Hindi din malalaman kung alin ang pinagkaiba ng isang totoong Pilipino sa iba pang lahi. Magsaad ng limang pangunahin at natatanging kulturang Pilipino na nais mong mapanatili bilang isang kabataan. Ang mga kulturang Pilipino na nais ko pang mapanatili bilang isang kabataan ay: • Pakikisama. Tayong mga Pilipino ay kilala bilang mga magagaling makisama lalong-lalo na sa ibang tao at mga dayuhan. Sabi nga na tayo daw ay madaling makibagay sa mga iba’t ibang uri ng tao kaya kahit na ang ibang Pilipino ay wala sa ating bansa, nagtatrabaho bilang OFW, madali silang maki-ayon o makisama sa mga kultura ng ibang lahi. • Paggalang. Ang mga kabataan ngayon ay madalas hindi na natin naririnig na magsalita ng magagalang na salita lalo na pagdating sa pakikipag-usap sa mga nakakatanda. Sana ito ay atin pang mapagyaman dahil naging isa na ito sa mga kulturang Pilipino na maaari nating ipagmalaki sa iba pang lahi. Hindi ito dapat mawala sapagkat hindi naman ito nagdudulot ng masama kung tayo’y

More about Sikolohiyang Pilipino Essay

Open Document