Sawikain Essay

1139 Words5 Pages
ahas----taksil; traidor Halimbawa: Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas. anak-dalita---mahirap Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita. alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo. Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang." balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan. Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero. balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran. Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan. Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay. basa ang papel---bistado na Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina. buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo? bukal sa loob---taos puso tapat Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan. busilak ang puso---malinis ang kalooban Halimbawa: Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu. di madapuang langaw---maganda ang bihis Halimbawa: Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo. di makabasag-pinggan---mahinhin Halimbawa: Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena. hampaslupa---lagalag, busabos Halimbawa: Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa. haligi ng tahanan---ama

More about Sawikain Essay

Open Document