Sanligang Kasaysayan (Anime)

1670 Words7 Pages
Ang anime ay bersyon ng mga Hapon sa animation. Naunang sumikat ang American animation tulad ng Walt Disney bago natamo ng anime ang katanyagan niya ngayon. Sa katunayan, ang “Snow White and the Seven Dwarfs” ay nakaimpluwensya sa mga animators ng Hapon, tulad ni Osamu Tezuka na inayon at pasimple ang mga tekniks ng mga Disney animation upang mabawasan ang gastos at bilang ng frames sa produksyon. Dumating ang punto ang market ng Anime ay lumaki at naging tanyag dahil sa kakaibang elemento na lumamang sa American animation. Ang naging pokus ng anime ay ang makatotohanagng emosyon, kakaibang personalidad at ang paglutas ng karakter sa suliranin; ang estilo ng pagkaguhit at kung paano nila inugnay ang mga episode na nagpapalalim sa pagkaunawa sa kwento. Halos-mahigit isangdaang taon na ang nakalilipas nang isinilang sa Japan ang konsepto ng Anime. Sa loob ng mga taong iyon, hindi mapagkakailang maraming humanga at nahumaling dito, dahilan na rin sa iba’t ibang salik na umeengganyo sa mga manunuod. Partikular sa Pilipinas, makikita ang epekto ng Anime sa buhay ng Otakung Pilipino: pananamit, kagamitan, pananalita, at marami pang ibang aspetong bumubuo sa pagkatao. Ang impluwensya ng Anime ay patuloy lumalaki sa iba’t ibang parte ng mundo at napapasama na rin sa kultura sa iilan, dahilan kung bakit nakakapukaw-pansin ang kasaysayan nito. Pagsilang ng Anime sa Japan Ika-20 siglo nang sinimulan ang Anime. Nag-umpisa sa simpleng pagguhit hanggang sa umusbong ang ibang metodolohiya gaya ng “chalkboard drawings”, diractang pagpipinta sa “film”, at mga gupit na papel. Ang mga pinakauna-unahang nagawang Anime ay wala pang kulay at nakasulat sa lamang sa papel (kilala ngayon sa tawag na Japanese Manga). (http://anime.about.com/od/animeprimer/a/Brief-History-Of-Anime.htm) Ito ay nagsilbing libangan sa mga Hapon at isang pagkakataong makapagkitang-gilas ang kanilang

More about Sanligang Kasaysayan (Anime)

Open Document