Research Essay

392 WordsFeb 4, 20132 Pages
Pinoy, Gising ka ba? Ni: Quennie N. Quiobe (Talumpating Nagbibigay- impormasyon) Gaano mo ba kaalam ang mga kaganapan sa ating bansa? Ikaw ba’y una sa balita? O katulad ka rin ng mga mangmang sa tabi ng makipot na daanan ng eskinita na walang alam kundi ang maglaro ng tong-its at lucky nine. Alam mo bang may kanuna-unahan ng pinoy ang naparangalan sa CNN Hero of the year? Meron na, siya si Efren Peñaflorida, ang dating batang kalye na nagkakalkal sa basura ay nakilala na sa buong mundo dahil sa pagsulong niya ng edukasyon sa pamamagitan ng kariton. Pwede rin pala iyon ano? Kayong mga hari at reyna ng biritan sa videoke, alam niya bang may isa ng Pilipinong nakasali sa isang sikat na palabas sa Amerika? Kilala niyo ba siya? Hindi lang basat siya isang pilipina, kundi isang batang pilipina. Siya ay walang iba kundi si Charice Pempenco, talaga namang kahanga-hanga ang galing niya sa pagkanta. Biruin ninyo, nakakaeksena niya na ang mga bigating artista sa abroad. Sa larangan ng pagluluto, alam mo ba pinoy? Marami sa ating mga kababayan ang ipinamamalas ang ganda ng kultura ng mga Pilipino sa larangan ng pagluluto, matatandaang isang mag-amang Pilipino ang nanalo sa isang paligsahan sa pagluluto sa Amerika, mula sa dalawampung bansang naglabanlaban sila ang nanalo at tunay na hinangaan. Eh ang mga kabataang pinoy na lumahok sa British World Cup, alam mo bang nakasali sila sa mga kupunang tunay na hinangaan ang galing? Sa simpleng pangarap nilang maipamalas ang galing sa larong soccer ay nagawa nilang pumunta sa ibang bansa. Teka alam ba ninyong sila’y dating mga batang lansangan? Alam mo bang mayroon sa kanilang nalulong dati sa bawal na gamot? Pero dahil sa determinasyon at walang sawang paghahangad ng pagbabago, nagawa nilang bumangon sa kasawian. Mga kababayan, mulat ba kayo sa mga simpleng kaganapang ito? Alam mo bang sa mga oras na ito ay may

More about Research Essay

Open Document