Poems Essay

798 Words4 Pages
KASALO ni Joi Barrios Ang babae ay hindi kaning inihahain sa mesa ng matrimony iniluluwa kapag mainit at takot kang mapaso, sinasabawan ng kape sa umaga kapag ikaw ay nagkulang, at itinatapong tutong sa kanyang pagtanda. Ang babae ay hindi karneng dinuduro at kinikilo, ginigisa ang laman sa iyong mga pangako, nilalaga ang buto sa iyong pagsuyo at ginagawang chicharon ang balat upang maging pulutan. Ang babae ay hindi halayang panghimagas sa iyong kabusugan inumin sa iyong katandaan o putaheng nilalaspag tuwing may handaan. May tiyan din siyang kumakalam, may sikmurang kailangang mapunan at pusong dapat mahimasmasan. Kasama mo siyang nagtatanim ng maisasaing, katuwan na naghahanda ng almusal, tanghalian at hapunan, kaharap at kasalo sa kinabukasan. WALANG DUDA ni Diana G. Cabote ang titulo ng artikulo ang nakakuha ng pansin tipong bagong Loretta Bobbit ang dating, ngunit sa dulo ng artikulo isinaad ang pagdududa ng mga awtoridad sa iyong istorya. Bakit baliw ang tawag Sa mga babaeng pinapatay ang asawa? Pagkatapos sampalin Ang dalawang anak mo, Pagkatapos kulong ka sa kwarto At doon patuloy na bugbugin. Tunay ngang isang manipis na linya lamang ang pagitan sa katinuan at kabaliwan- iyon ang hindi dapat pagdudahan. AWAY ni Elynia Mabanglo Ilang araw nang nawawala Ang lambingan Sa halip puro salita Ang nagsasalimbayan; Mga pahayag na paulit-ulit Narinig na noon, Nabasa kung saan, Nasabi nang minsan: Inuulat iminumura Isinusumbat Nasaan na ang Salitang naihalo sa kape Umaga man o gabi? Nasaan ang mga pariralang sa mga daliri’y nagpapanginig tuwing naririnig, itinutulak akong ipasaklot sa iyo ang dibdib? Nasaan ang mga salitang Nagiging kalaguyo ng isip Tuwing nakapikit Gising man o nananaginip? Ilang araw ng nawawala ang lambingan Sa halip, sa halip, Sumasakit, sumasakit

More about Poems Essay

Open Document