Pakikipagtalastasan Essay

723 Words3 Pages
FILIPINO 111 Wika at Komunikasyon Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng mga tao sa isa’t isa. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao Pakikipagtalastasan Ang pakikipagtalastasan ay isang uri ng komunikasyon kung saan nagpapalitan ng ideya at koro koro ang mga taong nagtatalakayan. Mahalaga ito dahil malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o anumang iniisip na may kinalaman sa paksang tinatalakay. Salik ng Komunikasyon Mga Na gpapadala ng mensahe - sila ang taong kasangkot sa komunikasyon at gumaganap sa tungkulin bilang tagapaghatid at tagatanggap ng mensahe Layunin ng komunikasyon -ito ay tumutukoy sa inaaasahang resulta ng pakikipagusap ng bawat komyunikeytor o tagapaghatid ng pahayag Mga tuntuning pangkomunikatibo - ito ay tumutukoy sa mga itinakdang mga tuntuning pang komunikasyon Mensahe - ang berbal, di berbal at ekstra-berbal na simbolong ipinapaabot ng ng komyunikeytor sa kanilang tagatanggap o resiber Tsanel at daluyan -ito ang paraan o daan kung paano ipinapaabot ng komyunikeytor ang kanyang mensahena maaaring katangian ng komyunikasyon Pinagmulan ng

More about Pakikipagtalastasan Essay

Open Document