Pagpapahayag Ng Layunin

383 Words2 Pages
Pagpapahayag ng Layunin Dahil sa mahigpit na pagbabawal ng simbahan sa pagiging bakla o homosexual at ang pagbabawal din sa pagpapakita ng homosexualidad sa mga pelikula, nagkaroon tuloy ng stereotypes para sa mga bakla. Ipinakikita sa mga pelikula na lahat ng mga bakla ay malalandi, maiingay, at mahilig magcross-dress. Nang mga panahong 1950s, ipinakikita sa mga pelikula na ang pagiging bakla ay magdudulot ng kahihiyan sa pamilya, isang sakit na kailangang gamutin. Isang karaniwang tema sa mga pelikula noon ay ang pagbabago ng mga bakla sa dulo ng pelikula at pagiging isang macho man na nagpapakita ng hindi makatotohanang paglalarawan sa mga bakla sa mga panahong ito. Sa pagbubukas ng Western countries ukol sa kanilang sexual orientation, nagsimulang sumikat ang gay pride. At nang sumikat na ang pelikulang indie, maaari ng gumawa ng pelikula ang mga hindi big time producers dahil hindi na kinakailangan ng malaking budget. Ang mga direktor ay malaya nang maipakikita at maipahihiwatig sa mga manonood ang kanilang mensahe sa iba’t ibang paksa kagaya ng kabaklaan o homosexuality. Napakalakas na ng gay pride at usong-uso ang mga gay march at gay film festival (Tiongson). Ang layunin ng pagsasaliksik na ito ay ang alamin kung ano nga ba ang mga ipinagbago ng homosexual sa pelikulang Pilipino. Sa paglipas ng panahon, unti –unting dumami ang pelikulang nagsasalarawan sa mga homosexual. Ang totoo nga ay ang mga pelikulang pinagbibidahan ng mga bakla ay ang siyang tinatangkilik at kumikita ng malaki sa modernong panahon. Halimbawa na lamang ang pelikulang Praybeyt Benjamin at Petrang Kabayo ng aktor na si Vice Ganda. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makakuha ng sapat na impormasyon upang malaman kung may pagbabago sa pagpapakita ng mga bakla o homosexual sa mga pelikula. Marami na ang nag-ukol ng atensyon sa paksang ito ngunit marami sa mga ito ay tumutukoy lamang

More about Pagpapahayag Ng Layunin

Open Document