News Essay

3554 WordsAug 17, 201415 Pages
1,000 upuan, ibinahagi sa PSERJ * Judylyn B. Aroy Ibinahagi sa Paaralang Sekundaryang E.Rodriguez Jr. ang 1,000 upuan noong Hulyo 17 kaugnay ng proyektong P-Noy Bayanihan. Layunin nitong mapunan ang kakulangan sa upuan ng mga pampublikong paaralan. Nagkaisa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang maisakatuparan ang nasabing proyekto. Ang mga nagsasanay sa TESDA ang nagkumpuni ng mga upuan gamit ang mga nakumpiskang troso ng DENR. Umabot sa P580 ang badyet ng bawat upuan, kabilang ang gastos sa varnish at delivery na mas mababa ng 40 porsyento kumpara sa mga upuang nabibili sa merkado. Ayon kay Gng. Rosario Inocencio, teacher-custodion ng PSERJ, naipamahagi na ang mga upuan at ginagamit na ng mga mag-aaral. “ Maswerte tayo at napili ang ating paaralan na mabigyan ng mga upuan, gamitin sana nila ito ng maayos para mapakinabangan pa sa susunod na taon,” pagtatapos ni Inocencio. ‘Ang Ilaw’,wagi sa DSSPC 2012 * Trisha Benitez Hindi nagpahuli ang mga kalahok ng ‘Ang Ilaw Publication’ ng Paaralang Sekundaryang E.Rodiguez Jr. (PSERJ) nang hakutin nito ang mga parangal sa ginanap na District I Secondary School Press Conference sa Judge Juan Luna High School noong ika-13 ng Agosto na nilahukan ng 13 paaralan mula sa nasabing distrito. Ang mga nagsipagwagi sa bawat kategorya ay ang mga sumusunod: Diane Guilaran Pagsulat ng Lathalain 1st place Kathy Jane Ticod Pagsulat ng Editoryal 5th place Armando Jarce Jr. Editoryal Kartuning 7th place Trisha Benitez Pagkuha ng Larawan 7th place Gezper Lozada Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita 8th place Jonabhel Balmaceda Pagsulat ng Balita 8th place Dale Cedric Ocampo Pagsulat ng Balitang Isports 8th place Anshirl Reyes Pagsulat ng Balitang

More about News Essay

Open Document