Maganda Pa Ang Daigdig

3241 Words13 Pages
SURING BASA PARA SA NOBELANG MAGANDA PA ANG DAIGDIG NI FRANCISCO LAZARO IPINASA NI: ANGELICA JOY G. YU IV- ELECTRON IKA-28 NG PEBRERO 2011 I. INTRODUKSYON A. PANGUNAHING IMPORMASYON Ang Maganda Pa ang Daigdig ay isinulat ni Francisco Lazaro noong taong labing siyam limampu’t lima (1955). Ang nobela ay nakasentro sa isang beterano ng digmaan at maralitang si Lino Rivera na nagdanas ng kahirapan at pagdurusa sa kanyang buhay dahil sa hindi pantay na lagay ng mga magsasaka sa ilalim ng sistemang ingklinato (tenancy system) at sa kawalang katarungang dinaranas ng tulad niya sa kadahilanang hindi pantay ang balangkas ng batas para sa mahihirap. Isinulat ni Lazaro ang libro sapagkat, tulad ni Lino ay nais niyang ipaalam sa mga mambabasa na sa maayos at tamang balangkas ng lipunan ay magkakaroon ng pag-asa ang mga mamamayan na “mapaganda pa ang kanilang daigdig”. B. URI NG NOBELA Maaaring hatiin sa tatlo ang nasabing nobela. Ito ay isang nobelang historikal sapagkat may mga pangyayari sa libro na aktwal na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas. Tulad na lamang ng pagbanggit ng isa sa mga tauhan, isang grupo ng mga manghihimagsik laban sa pamahalaang Hapones na sumakop sa bansa, ang Hukbalahap (kilala rin sa tawag na huk). Ang digmaan sa Bataan kung saan ipinakilala si Lino bilang isa sa mga beterano nito, ay naging parte rin ng kasaysayan ng bansang Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Hapones. Ito rin ay isang nobela ng pagbabago sapagkat ang tanging hinangad ng pangunahing tauhan at ng mga taong nakasuporta sa kanya ay ang pagbabago sa kanilang pamahalaan at lipunan. Ang pinakahuli, isa rin itong nobelang panromansa. Naukulan ng pansin ang umusbong na mga pagpapares ng mga magbabarkada (love team): ang gurong si Miss Rosalina Dolor at ang pangulo ng Asosasyon ng mga Guro at Magulang sa kanilang nayon, si Estanislao Villas; ang

More about Maganda Pa Ang Daigdig

Open Document