Kultong Nangunguha Ng Bata, Totoo Nga Ba? Essay

429 WordsOct 1, 20122 Pages
Naalala ko nung Grade 5 ako, may mga usap-usapan tungkol sa mga nangunguha ng bata. Simula nung kumalat ang issue na 'to, maraming mga nabahala na magulang at mga bata. Base sa aking nakalap na impormasyon, ang modus daw ng sinasabing kulto ay kukuha sila ng mga inosenteng bata at isasakay nila sa van. Kukunin daw nila ang organs ng mga ito ay ibebenta sa mga pribadong ospital. Pagkatapos nilang kunin lahat ng mga organs na posibleng ibenta sa mga pasyenteng nangangailangan ng transplant ay tatahiin nila ang katawan ng biktima at maglalagay ng pera na nagsisilbing kabayaran sa mga organ na nakuha. Marami rin akong narinig na iba't-ibang kwento tungkol dito, isa na dito ang kinuwento sakin ng aking kababata, si Diane. Nakwento nya sakin na totoo daw ito dahil may isa daw syang ka-eskwela sa kanilang probinsya na muntikan naring mabiktima ng sinasabing kulto na nangunguha ng mga bata. Eto ang kwento nya, naglalaro daw yung ka-eskwela nya sa may palaruan, tapos biglang may pumarada na van sa harap ng palaruan at biglang kinuha ang kanyang ka-eskwela, ngunit sa kabutihang palad ay nakatakas daw ang ka-eskwela nya bago pa man ito maisakay sa sinasabing van. Pero dahil nga pasa-pasa ang balita, di ko alam kung edited ba 'to o totoo. Meron pa akong nabasa na article na galing sa aming school mismo, eto yung nabasa ko: May nakuha na naman daw apat na bata sa may Salinas, ang masama pa nun kahit kasama ang mga magulang naglalakas loob pa rin silang kunin ang mga bata, meron pang balita na nanloloob na sila ng bahay pinapatulog ang kasambahay tsaka ina-abduct ang mga bata. Sa mga makakabasa nito na makakapag-bigay linaw tungkol sa storya na ito, magcomment lang kayo sa baba ng note na 'to kung totoo ba ito at i-explain nyo kung bakit nyo na sabing totoo 'tong balitang ito o hindi. Kahit yung mga di naka-tag ay pwedeng magcomment. Hanggang ngayon ay di parin

More about Kultong Nangunguha Ng Bata, Totoo Nga Ba? Essay

Open Document