Konseptong Papel Essay

2034 Words9 Pages
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat 1. PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL * Mahalagang magsimula ang paggawa ng pananaliksik sa pagbuo ng isang konseptong papel o concept paper. * Sa konseptong papel nakasaad ang pangkalahatang balak sa isasagawang pananaliksik. * Nakalahad din dito ang pangkala-hatang larangan ng paksaing nais talakayin, ang tulak o rasyunal ng papel na nais isagawa, ang layuning nais tugunan ng pagtalakay, ang pamamaraan o metodolohiya ng pagsisiyasat na nais isagawa, * ang inaasahang maging resulta ng isasa-gawang pananaliksik at panimulang sarbey ng sanggunian at kaugnay na pag-aaral. * Maikli lamang ito, maaaring dalawa hanggang tatlong pahina lamang. 2. PANGUNAHING BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL 3.1 Rasyunal Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksaing nais siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon at Inspirasyong nagtulak sa pagtatangi ng napiling paksain. - Ano ang dahilan at napili ang paksain? - Anong mga karanasan at pangyayari ang nagtulak sa pagpili ng paksaing ito? - Ang pagtukoy ng pinagmulang motibasyon o inspirasyon ng pagsisi-yasat ang pagtukoy ng tinatawag na rasyunal ng pag-aaral. Ang rasyunal o pinagmumulang tulak ng pagsisiyasat ay maaaring maging isang karanasang tuwirang nasaksihan ng magsasagawa ng pag-aaral o di kaya ay isang konsepto, bagay o ideya na nakapukaw ng pansin at nakapag-iwan ng malalim na bakas ng pagtuklas na nais tuntunin ng nagsusulat ng akademikong papel. 2.2. Layunin * sa pagtiyak ng paksa, halos kasunod na rin ang pagtiyak ng layunin ng pagsisiyasat at pananaliksik. * ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng isang katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat. * halimbawa ay ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan at bakit. Bawat isang

More about Konseptong Papel Essay

Open Document