Welcome

Anti Essays offers essay examples to help students with their essay writing.

Sign Up

Kabanata Essay

  • Submitted by: ErikaCute
  • on February 23, 2013
  • Category: History
  • Length: 3,088 words

Open Document

Below is an essay on "Kabanata" from Anti Essays, your source for research papers, essays, and term paper examples.

Kung Mangarap Ka Nang Matagal

(Kabanata Labingwalo)
KUMATOK SA PINTO SI KWANG MENG kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon Teik na nakaupo sa sopa at nagbabasa.
“Tuloy, tuloy,” sabi ni Boon Teik na tumayo’t inilahad ang isang kamay. “Upo ka! Upo ka! Nasa kusina ang misis ko’t tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. “Me-I!” tawag nito, “Narito na si Kwang Meng!”
Lumabas ang asawa nito, kasunod si Anne.
“Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng,” at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing , “Palagay ko’y magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I.”
Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itong nakita noon. Mukhang wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne.
“Iiwan muna namin kayong mga lalaki,” humihingi ng paumanhin si Me-I. “Pasensiya ka na, Kwang Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundi’y hindi tayo makapaghahapunan.”
“Oo ba,” sagot ni Kwang Meng.
Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na kapagkuwan ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat.
“Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng?” tanong ni Boon Teik.
“Tama na ang isang beer.”
Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng ang mga mata sa buong salas. Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light green ang pinta ng kuwarto. Nakasabit sa dingding ang ilang print ng Van Gogh at Cezanne at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasa’y walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming long-playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng mga cushoion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isang malaking Japanese paper lampshade...

Show More


  • Submitted by: ErikaCute
  • on February 23, 2013
  • Category: History
  • Length: 3,088 words
  • Views: 28
  • 1 rating(s)

Citations

MLA Citation

"Kabanata". Anti Essays. 23 Feb. 2019

<https://www.antiessays.com/free-essays/Kabanata-411231.html>

APA Citation

Kabanata. Anti Essays. Retrieved February 23, 2019, from the World Wide Web: https://www.antiessays.com/free-essays/Kabanata-411231.html