Indarapatra At Sulayman
853 Words4 Pages
Indarapatra at Sulayman
Epikong Mindanao
Nang unang panahon ayon sa alamat, ang pulong Mindanaw ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo'y namumuhay. Maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.
Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanila na dati'y payapa.Apat na halimaw ang doo'y nanalot. Una'y siKurita na maraming paa at ganid na hayop pagka't sa pagkain kahit limang tao'y kayang nauubos.
Ang bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na may mukhang tao na nakakatakot kung ito'y mamasdan, ang sino mang tao na kanyang mahuli'y agad nilalapang at ang laman nito'y kanyang kinakain na walang anuman.
Ang ikatlo'y si Pah na ibong malaki. Pag ito'y lumipad ang bundok ng Bita ay napadilim niyong kanyang pakpak. Ang lahat ng tao'y sa kuweba tumatahan upang makaligtas. Sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.
Ang bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay pinapaglagim ng isa pang ibong may pito ang ulo; walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat maaaring kanyang natatanaw ang lahat ng tao.
Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay nagdulot-lungkot sa maraming baya't mga kaharian; si Indarapatra na haring mabait, dakila't marangal ay agad na nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.
"Prinsipe Sulayman, ako'y sumasamo ng inyong iligtas ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo't habag"
"O mahal na hari na aking kapatid, ngayon din lilipad at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak."
Binigyan ng isang singsing at isang ispada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinasabit sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit:
"Ang halamang ito's siyang magsasabi ng iyong nasapit."
Nang siya'y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan ang maraming