Gusto Ko Lang Naman Ng Mcdo Fries Eh…

1165 Words5 Pages
Gusto Ko Lang Naman ng McDo Fries Eh… Natatandaan niyo pa ba ang mga linyang ito mula sa isang patalastas ng McDonald’s? Batang Babae: Girlfriend mo na ba ako? Batang Lalaki: Ayoko nga. ‘Di pa ako ready eh. Batang Babae: Ha? Batang Lalaki: Demanding ang mga girlfriend. Gusto ganito. Gusto ganyan. Ewan! Batang Babae: Gusto ko lang naman ng Mcdo fries eh. Batang Lalaki: Talaga? Sino ba sa inyo ang hindi nakapanood sa patalastas ng McDonald’s — isa sa pinakamalaking fast food restawran sa Pilipinas — tungkol sa isang apat hanggang anim na taong gulang na batang babae na nagtatanong kung maari ba siyang maging kasintahan ng kapwa niya batang lalaki? Tiyak na karamihan sa inyo ay napangiti ng patalastas na ito dahil sa nakakaaliw, orihinal, at kakaibang konsepto na ipinakita nito. Ngunit alam mo ba na pinatanggal ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng istasyon dahil umano sa pagiging mababaw at nakakapagpababa ito ng pananaw sa relasyon ng mga tao. Patalastas ang isa sa pinakamabisang paraan ng pagkampanya o pagbenta ng isang produkto. Isa itong uri ng midyang pangmasa na ginagamit ng maraming korporasyon upang gawing popular ang kanilang mga produkto at bilhin ng maraming tao. Dahil sa pinaniniwalaang malakas na impluwensya ng mga patalastas sa mga nakakapanood nito, lalo na sa mga bata, may mga organisasyon, tulad ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), na bumuo ng mga alituntunin na dapat sundin sa paggawa ng mga patalastas upang maiwasan ang mga masasamang impluwensya nito sa mga manonood. McDonald’s ang isa sa pinakamalaking fast food restawran sa Pilipinas. Unang nagtayo ng restawran sa Pilipinas ang McDonald’s noong dekada ‘80 sa Morayta, sa lungsod ng Maynila at ngayon ay mayroon na itong humigit kumulang 300 restawran sa buong bansa. Isa

More about Gusto Ko Lang Naman Ng Mcdo Fries Eh…

Open Document