Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag na ang silangan nang ako’y bumangon. May bago na namang umaga.
Madalas ay nag - iisa siya. Lagi siyang nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kung magsalita. 2.
Nailigtas si daragang. Daragang: maraming salamat sa iyo ginoo, kung iyong pahihintulutan ano ang iyong pangalan? Panganoron: walang anuman magandang binibini. Ako nga pala si panganoron, anak ako ni Rajah Karilaya. Ayos lang ba ang iyong lagay?
Ang mga tunog na maituturing na wika ay ang mga tunog na isinatinig sa tulong ng iba't-ibang sangkap ng pagsasalita gaya ng dila, ngalangala, babagtingang - tinig, atbp. 4. Ang wika ay pantao. May mga tunog ding isinatinig ng mga hayop gaya ng kahol ng aso, unga ng kalabaw o
Ang Ama Theo: Magandang araw bayan. Narito kami upang ihatid sa inyo ang mga nagbabalibagang balita ngayong araw na ito. Angel: Nangunguna rito, isang ama napatay ang sariling anak. Di umano ay lasing ang ama kaya napatay niya ang kanyang sariling anak. Theo: Narito ngayon ang mga anak ng nasabing ama at ang kanilang ina.
Ang kuwento ni mabuti ni Genoveva Edroza-Matute Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay.
“Mana Mana Lang Yan” Gary Granada “Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.” Madalas nating marinig sa ating paligid ang kasabihang ito. Ito ay tumutukoy sa iisang kapalaran kinahahantungan ng magulang at anak. Ngunit sa malalim na pagsisiyasat, maaari nga bang ipagpalagay na kung anong kapalaran ang mayroon ang magulang ay ganoon din ang magiging kapalaran ng kanyang anak? Maaaring nag-ugat ang kasabihang ito sa uganayan na mayroon ang isang anak sa kanyang mga magulang. Mula pagkabata, ang ating mga magulang ang nagiging modelo natin.
Pwede kang manggulang o pwedeng ikaw ang magulangan. Masarap magnegosyo. Ikaw ang amo ng sarili mo. Ikaw ang CEO, ikaw ang bahala sa direksyon ng negosyo mo. Mali ang persepsyon na habang malaki ang kapital na inilagak mo sa negosyo ay mas malaki rin ang balik ng kita.
Ang kantang 'Bayan ko', ay isang tula na sumikat noong panahon ng Diktador na si Marcos at walang ni isang Pilipino noon ay hindi alam ang kantang ito. Ipinahihiwatig ng kantang ito sa unang saknong na ang bansang Pilipinas ay bansang mayaman sa likas na yaman, at ang pinbakamagandang yaman na meron ang Pilipinas, ay ang mga Pilipino mismo. Kung ating susuriin, ang mga Pilipino ay hindi lamang mapagbigay, relihiyoso at maalagain, kundi tayong mga Pilipino ay mapagmahal sa ating pamilya, bansa, at mga kababayan. Inilalahad din sa kantang ito, na wari ba'y mas nakikinabang pa ang mga dayuhan sa ating bansa kaysa sa atin. Sinakop tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapones noon dahil mas nakikita pa nila ang kakayahan ng mga Pilipino kaysa sa atin.
Pero nakakalungkot isipin na ang isang napakahalagang bahagi ng ating kasaysayan ay ipinagbili sa kakarampot na halaga lamang at hindi man lang inisip kung gaano ito kahalaga para sa ating bansa at sa kasaysayan. Marami rin ang nanamantala sa taong nakahukay ng Surigao Treasure na si Edilberto Morales at ang nakakadismaya pa rito ay mismong alagad ng simbahan at mga opisyal ang nanamantala rito. Ipinakita rin na may ibang tao na ang kanilang pansariling kapakanan at kapakinabangan lamang ang iniisip at hindi ang pangkalahatan katulad na lamang nung sundalong kumuha sa dagger na kabilang sa mga nahukay. Bakit nga ba tayo nagiging makasarili pagdating sa usaping yaman? Hindi ba’t mas nakakabuti kung ang ating iisipin ay ang ikabubuti ng lahat?