Filipino 111 Essay

420 Words2 Pages
Wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitanglengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe olengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon. Komunikasyon ay pagpapahayag,pagpapaalam, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan. Pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mgasimbolo. Salik Ng Komunikasyon 1.Mga Komyunikeytor - sila ang taong kasangkot sa komunikasyon at gumaganap sa tungkulin bilang tagapaghatid at tagatanggap ng mensahe 2.Layunin Ng Komunikasyon -ito ay tumutukoy sa inaaasahang resulta ng pakikipagusap ng bawat komyunikeytor o tagapaghatid ng pahayag 3.Mga Tuntuning Pangkomunikatibo - ito ay tumutukoy sa mga itinakdang mga tuntuning pang komunikasyon 4.Mensahe - ang berbal, di berbal at ekstra-berbal na simbolong ipinapaabot ng ng komyunikeytor sa kanilang tagatanggap o resiber 5.Tsanel At Daluyan -ito ang paraan o daan kung paano ipinapaabot ng komyunikeytor

More about Filipino 111 Essay

Open Document