Ekonomiks by Deped

11211 Words45 Pages
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN IV MODYUL 1 KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City MODYUL 1 KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS Narito ka ngayon sa unang modyul ng iyong kursong Ekonomiks para sa ikaapat na antas ng mataas na paaralan. Anu-ano ang sumasagi sa iyong isipan kung susuriin mo ang katagang ekonomiks? Marahil, ang una mong maiuugnay sa salitang iyan ay pagnenegosyo. Pangalawa ay pagbabadyet at pagpapalago ng kita ng pamilya. Pangatlo, ay ang pagkakaroon ng empleyo at sapat na kita ng mga mamamayan na sumasagisag sa katatagan at kaunlaran ng bansa. Kung ang lahat ng iyan ang iyong naisip ay tama ka! Ngunit bahagi lamang iyan ng mga paksang pag-aaralan mo. Bilang panimulang pag-aaral, liliwanagin sa modyul na ito ang katuturan at kahalagahan ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan. Sasagutin dito ang mga sumusunod na tanong: Ano nga ba ang ekonomiks at ang mga sangay nito? Bakit mahalaga ang ekonomiks sa isang bansa? Paano makatutulong sa pamamahala ng kaunlaran ng pamilya, mga industriya, at ng buong bansa and mga konsepto at prinsipyo sa ekonomiks? May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Ekonomiks Bilang Agham Panlipunan Aralin 2: Kahulugan at Saklaw ng Ekonomiks Aralin 3: Layunin at Kahalagahan ng Ekonomiks Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga paksang nakatala sa itaas, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang kahulugan at saklaw ng ekonomiks at ang mga suliraning tinutugunan nito; 2. Matutukoy ang pangunahing layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan ; 3. Matutukoy ang kahalagahan ng ekonomiks sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng pamilya, ng mga industriya, at ng mga bansa; 2 4. Masusuri ang mga pamamaraan at kagamitan sa pag-aaral ng ekonomiks bilang agham

More about Ekonomiks by Deped

Open Document