Bisa Ng Panalangin

335 Words2 Pages
Magsikap, Magtiwala, Maghintay Ang panalangin ay isang paraan ng pakikipagusap sa Diyos. Sa isang kadahilanan o higit pa, mayroong mga tao na hindi naniniwala na gumagana ang pagnanalangin. Marahil ay nagdasal sila ngunit hindi sinagot ng Diyos ang kanilang panalangin o kaya naman hindi nila ito naramdaman. Ang iba naman ay nahihiyang magdasal sa Panginoon dahil sa mga kasalanang nagawa nila. Sa naunang grupo nais ko lang sabihin na hindi porket hindi kayo nakatanggap ng agad na sagot sa inyong mga dasal ay wala na itong bisa. Marami din akong mga dasal na hanggang ay hindi pa nasasagot, pero hindi iyon naging isang dahilan upang maniwala na walang bisa ang pagdadasal at huminto na sa pagnanalangin. Ang nais ko lang sabihin sa inyo ay hindi porket walang sagot ang inyong mga panalangin ay hindi na ito gumagana. Sa katunayan sinagot ng Diyos ang inyong panalangin. Bakit? Dahil nakatanggap kayo ng sagot at ang sagot ng Diyos ay hindi o hindi muna ngayon may magandang plano ako sa iyo, may tamang oras para diyan. Dahil doon tumitibay ang ating relasyon at tiwala sa Diyos at natututo tayong maghintay. Hindi ba nung tayo ay mga bata pa nasabihan na din tayo ng ating mga magulang ng “hindi muna ngayon”. Isa pang dahilan, marahil, kung bakit parang hindi sinagot ng Diyos ang ating mga panalangin ay dahil wala rin tayong ginawa para matupad ito. Tinutulungan ng Diyos ang mga taong tinutulungan din ang kanyang sarili. Hindi tayo iniwan o pinapabayaan ng Poong Maykapal. Lagi nating siya kasama, lagi niya tayong pinakikinggan at lagi niya tayong ginagabayan. Kahit ano pang tawag natin sa Diyos, mabatid sana natin na palagi natin siyang kasama. Kausapin natin siya sa pamamagitan ng panalangin pero ipakita rin natin na seryoso tayo sa mga dasal natin, patunayan natin sa pamamagitan ng aksyon. Kung puro salita lang walang mangyayari. At matuto tayong maghintay dahil ang hindi

More about Bisa Ng Panalangin

Open Document