Bayan Ko vs. Mga Kababayan Ko

606 Words3 Pages
Ang kantang 'Bayan ko', ay isang tula na sumikat noong panahon ng Diktador na si Marcos at walang ni isang Pilipino noon ay hindi alam ang kantang ito. Ipinahihiwatig ng kantang ito sa unang saknong na ang bansang Pilipinas ay bansang mayaman sa likas na yaman, at ang pinbakamagandang yaman na meron ang Pilipinas, ay ang mga Pilipino mismo. Kung ating susuriin, ang mga Pilipino ay hindi lamang mapagbigay, relihiyoso at maalagain, kundi tayong mga Pilipino ay mapagmahal sa ating pamilya, bansa, at mga kababayan. Inilalahad din sa kantang ito, na wari ba'y mas nakikinabang pa ang mga dayuhan sa ating bansa kaysa sa atin. Sinakop tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapones noon dahil mas nakikita pa nila ang kakayahan ng mga Pilipino kaysa sa atin. Ngayon na talamak ang korupsyon sa bansa, maraming tao ang naghihirap, nawawalan ng disiplina, kulang sa pakialam. Pero di pa ba nakikita ng mga Pilipino na tayo ay pilit na bumabangon sa mga pagsubok na ito? Karapatan ng bawat Pinoy ang manatiling malaya at ligtas. Mahalagang ating pangalagaan ang ating karapatan at di dapat tayo apihin ng kung sino may banyaga. Matagal ng hangarin ng mga Pilipino na matamo ang kalayaan. At pakiwari ng kanta sa mga kabataan, na maging pag-asa ng bayan, ayon na rin kay Dr. Jose Rizal. Maraming mga Pilipino ang nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa kalayaan, at sila ay ating tinaguriang mga bayani. Sa panahon ng kalamidad, lumalabas ang pagkabayani at pagmamahal ng mga Pilipino dahil sa pagtutulungan nilang makaligtas. Ito'y isang dahilan kung bakit isang maituturing na pinakaimportanteng yaman ang mga Pilipino sa bansa. Sa panahon ng krisis, tulong-tulong ang mga Pilipinong lumaban at itaguyod ang sariling karapatan. Dahil sa mundong ito, pantay-pantay dapat ang tingin ng bawat isa, kababayan man o dayuhan. Samantala, ang kantang 'Mga kababayan ko' ay isang rap na kinanta ng namayapang si

More about Bayan Ko vs. Mga Kababayan Ko

Open Document