Asdasd Essay

5132 WordsOct 10, 201121 Pages
RETORIKA (Pagsusuri sa Maikling Kwento) Ipinasa ni: Dame E. Angelitud BSCS COM-91 Ipinasa kay: Prof. Cindie Almeda KWENTO ni MABUTI ni Genoveva Edroza-Matute Hindi ko na siya nakikita ngayon. Naguni sinasabi nilang naroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa luma at walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawa't hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero, naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamanang pang-aklat - at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng Buhay. Saan man may kagandahan; sa isang tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Nguni walang ano mang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay…. Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro roon. Walang sino mang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing ano mang di-pangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang bukambibig niya. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandali ng pag-aalanganin. Sa isang paraang hindi malirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng paniniwala niya sa buhay. "Mabuti," ang sasabihin niya, "…ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa bahaging ito. Mabuti…mabuti…!" Hindi ako kalian man magtatapat sa kanya ng ano man kundi lamang nahuli niya ako minsang lumuluha: nang hapong iyo'y iniluluha ng bata kong puso ang isang pambata ring suliranin. Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood

More about Asdasd Essay

Open Document