Ano Ba Ang Adhikain at Paniniwala Ng Kkk

1274 Words6 Pages
Ano ba ang adhikain at paniniwala ng KKK? Umiikot ang adhikain ng Katipunan sa konseptong “pamilya” at pagnanais na magkaroon ng isang patas na lipunan. Bilang Supremo ng Katipunan, pangarap ni Bonifacio ang makapagtatag ng isang bansang kikilalaning “Inang Bayan” na pamumunuan ng isang pamahalaan na tatawaging “Haring Bayang Katagalugan.” Ito ay kanyang ibinalangkas sa lipunang matriyarkal ng sinaunang Pilipinas, kabaligtaran ng sistemang ipinakikilala ng mga Espanyol. Hangad ng mga Katipunero ang tuluyang pagkawala ng Pilipinas sa burukrasyang Espanyol at pagtatatag ng estado na pamumunuan ng mga katutubo. Naniniwala din sila na ito'y makakamit lamang sa pamamagitan ng isang madugong himagsikan. Pagkakatuklas sa Katipunan Isang buwan ang nakalipas nang isang liham naman mula kay Padre Agustino Fernandez ng San Pedro, Makati ang nakarating sa Gobernador Sibil ng Maynila. Ipinabatid ng prayle sa huli na sumapit na ang tamang panahon upang bigyan ng aral ang mga Pilipinong tumataliwas sa kanila, at ang tanging paraan lamang ay ang isang madugong labanan.Noong 5 Hulyo 1986 nang matuklasan ng pamahalaan ang samahang Katipunan. Isang opisyal ng Pasig, si Tenyente Manuel Sityar, ang nagpadala ng liham sa Gobernador Sibil ng Maynila upang ipaalam na isang lihim na samahan ang tahimik na binubuo sa kabisera, at umabot na maging sa mga kalapit nitong sakop – sa Mandaluyong at San Juan. Ayon sa tenyente, ang samahan ay nangangalap ng mga kasapi at pinapapirma sa isang kasunduan gamit ang sarili nilang mga dugo. Buhay naman ang kapalit sa sinumang mababalitaang nagsiwalat sa lihim ng samahan. Kasabay ng paglaki ng samahan ay ang paglaki rin ng laang-salapi o pondo nito na buhat sa 25 sentimos na ambag ng bawat kasapi. Ang salaping nakakalap ay ginagamit upang matustusan ng armas ang San Juan del Monte, Mandaluyong, San Felipe Neri (na ngayon ay bahagi na ng Mandaluyong)

More about Ano Ba Ang Adhikain at Paniniwala Ng Kkk

Open Document