Ang Miliminas Essay

778 Words4 Pages
Ang Miliminas isang pangkat ng kapuluan na matatagpuan sa kagitnnan ng dagat Pasipiko bago pa man magkaroon ng isang malawakang pagbaha ng tubig. Miliminas rin ang tawag sa mga taong naninirahan sa mga kapuluan nito. Kawangis din ng mga ordinaryong tao ngayon ang mga itsura ng mga Miliminas. Ang pagkahuli nila sa sibilisasyon ang nagdulot sa kanilang magkaroon ng naiibang pag-uugali at pamamaraan ng salita at wika. Mik ang tawag sa kanilang pera at kalimitang tinatawag ang taong mayroong isang milyong Mik o humigit pa rito ay mikinaryo. SA PAMAMARAAN NG PAGBIHIS ay mayroon din silang sinusunod na batas, isa sa mga kinikilala nilang pormal na kasuotan ay para sa mga kababaihan ay katumbas ng mga bathing suit natin ngayon at kamiseta o korto para sa mga kalalakihan. ANG MGA KAKAIBANG BATAS NG MGA MILIMINAS ay ang mga sumusunod: Sa pamamaraan ng pagbibihis, hindi dapat mahaba ang kanilang mga damit. Sa pagsakay sa isang pampublikong sasakyan ipinapatupad dito ang Equality before the kilo na kung saan kung gaanong kabigat ang isang mamamayan ay ganito rin ang kaniyang ibabayad. Sa pamamaneho, bawal ang hindi nag o-over-speeding o ang hindi pagpapatakbo ng sasakyan ng matulin. SA PAGBIBIGAY NAMAN NG SERBISYO SA MGA MAMAMAYAN, kalimitang nahahati ito sa tatlong pangkat: ang mayayaman, ang mga may kaya sa buhay at ang mahihirap. Sa pabibigay ng tubig ng Nawasdak may tatlong uri ng tubo, ang nilalabasan ng malinis na tubig, ang may maruming tubig at ang walang tubig. Habang sa kuryente naman na ibinibigay ng Palay Electric Company na kung san nahahati rin ang serbisyo sa tatlong uri. Una, ang light service na napapakinabangan lamang ng mga may pribilehiyo sa pamayanan, ikalawa, ang brown-out service na kung saan nagagamit lamang ito kung hindi kinakailangan at pangatlo ang black out service na may disenyo lamang ang mga kagamitan sapagkat hindi ito nagagamit.

More about Ang Miliminas Essay

Open Document