Ang Kaligirang Pangkasaysayan Ng Alamat Essay

451 WordsOct 17, 20132 Pages
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat Ang salitang alamat ay panumbas sa "legend" ng Ingles. Ang katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin na "legendus", na ang kahulugan ay "upang mabasa". Noon pa mang 1300 AD (After Death), ang ating mga ninuno, na kilala sa katawagang Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng mgakarunungang-bayan, kabilang ang alamat. ( Sila ang mga taong walang permanenteng tirahan.) Ayon sa mga heologo (geologists) , nakuha o nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba't ibang lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan ( bunga marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay nagpapasaling-dila o lipat-dila lamang. Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating kapuluan ang mga Indones na may dalang sariling sistema ng pamahalaan, panitikan at pananampalatayang pagano. Ang matatandang alamat ng ating mga ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na ang nilalaman ay tungkol sa mga anito, buhay ng mga santo at santa, bathala, at pananampalataya sa Lumikha. Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Malay. Katulad ng mga Indones, sila rin ay may pananampalatayang pagano. May dala rin silang sariling mga alamat, kwentong-bayan at mga karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto na tinatawag na Alifbata o Alibata. Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat na pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa panahong ito, higit na lumaganap ang mga alamat hinggil sa pananampalatayang pagano at sumibol ang "Maragtas" at "Malakas at Maganda". Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at Persyano. Ang mga ito ay may mga dala ring kani-kaniyang kultura na nakaambag sa

More about Ang Kaligirang Pangkasaysayan Ng Alamat Essay

Open Document