Talumpati Essay

700 Words3 Pages
CRIPA, ANA KIMBERLY M. RAD 2-2 DECEMBER 9, 2011 Landas sa Kinabukasan Ang unang layunin ng edukasyon ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon tungkol sa nakaraan, kasalukuyan at sa hinaharap. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha ng isang tao sa kanyang kapwa. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang magiging sandata natin sa buhay. Ito ang humuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan at sa mga unibersidad. Ang pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo ang isa sa mga desisyong maaaring makapagpabago sa takbo ng buhay ng isang tao. Sa totoo lang, noong ako’y nasa hayskul pa lamang at nag-iisip ng kursong aking kukunin, wala sa listahan ang “Radiologic Technology.” Naririnig ko lang ito sa aking mga kaibigan at sa aming kapitbahay pero wala talaga akong sapat na kaalaman tungkol dito maliban sa simpleng pag-eeks-ray at ultrasound. Wala rin akong interes dito kaya naman hindi ko rin lubos maisip kung bakit ito ang napagdesisyonan kong kuhaing kurso. Kung magtatanung-tanung ka sa iba tungkol sa nalalaman nila kaugnay sa Radiologic Technology, pupusta ako na iilan lamang ang makakasagot at mas marami pa ang maririnig mong “ewan.” Aminin man natin o hindi, alam nating lahat na mas sikat ang mga kursong Accountancy, Architecture, Engineering at Nursing. Ano nga ba ang “Radiologic Technology?” Sa simpleng pagpapakahulugan, ito ay tumutukoy sa pag-uultrasound, x-ray, MRI at iba pang mga proseso na ginagamitan ng “radiation.” Maaaring para sa iba, walang espesyal sa kursong ito ngunit para sa akin, ang “Radiologic Technology” ang

More about Talumpati Essay

Open Document