Reaction Paper About Typhoon Yolanda

314 Words2 Pages
TYPHOON YOLANDA Bagyong Yolanda, isa sa mga pinakamalakas na bagyo na tumama sa ating bansa, sa bansang Pilipinas. Bakit nga ba nagkaroon nga gantong kalakas na bagyo sa ating bansa? Para sa akin, dahil sa pagbabago ng klima ng ating bansa, dahil sa kapabayaan ng tao kaya nagbabago ang ating klima. Papaano naman naging ganoon kalakas ang Bagyong Yolanda? Sa pagkakaalam ko, ito ay unang nabuo sa isang ocean kaya ito ay nakabwelo ng napakalakas kaya ganoon na lang ang naging pinsala sa ating bansa. Sa sobrang lakas nito, maraming nasirang bahay, maraming nawalang buhay, maraming pangarap ang nananatiling pangarap hanggang sa ngayon dahil sa bagyong ito. Ayon sa mga analyst, aabot ng isang taon bago maibalik at muling makabangon ang Tacloban, at ang bansang Pilipinas. Dahil dito, napakalaki ng epekto nito sa pag’unlad ng bansa, imbis na tumaas at umunlad ang ating ekonomiya, bababa ito dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Yolanda. May mga nagsasabi na kaya nasira agad ang mga bahay ng mga tao na sinalanta ng Bagyong Yolanda ay dahil hindi daw ito konkreto o hindi daw maganda ang pagkakagawa nito, ngunit para sa akin, konkreto man o hindi ang isang bahay na sinalanta ng bagyong Yolanda, may pinsala parin na magaganap sa bawat isa. Ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari na unos sa ating bansa, ika nga, “Everything happens for a reason.” Ng dahil sa pangyayaring ito ay nagkaisa ang lahat, hindi lang sa bansang Pilipinas, kundi ang buong mundo ay tumulong, nagbigay ng donasyon, nag’volunteer, kahit ang bansang China na kaaway na ating gobyerno ay tumulong din dahil ang katwiran ng bansang China, “Gobyerno lang ang kaaway ng bansa ko, hindi ang mga tao sa bansang Pilipinas.”. Lumabas ang kagandahang-loob ng bawat isa sa mga pagkakataong ito. Bawat tao ay gumawa ng paraan upang makatulong sa pinsalang iniwan ng Bagyong Yolanda. Submitted by: Aldrin P. Del

More about Reaction Paper About Typhoon Yolanda

Open Document