Pambansang Bayani Ng Pilipinas

572 Words3 Pages
Layunin: (1) Nakasusulat ng isang opinyon tungkol sa kung sino sa dalawang bayani ang mas dapat tawaging Pambansang Bayani (2) Nakasusulat ng sanaysay gamit ang mga pormal na pananalita/salita (3) Nakalilikha ng masining at kakaibang pamagat para sa ibinigay na tema ng sanaysay. Sino Nga Ba? Pambansang Bayani ng Pilipinas, Sino nga ba ang mas nakararapat na parangalan ng titolong ito si Rizal o Bonifacio? Anu-ano nga ba ang mga batayan sa pagpili ng mas nakararapat para rito? Sina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ay pawang malaki ang nagging kontribusyon sa kasaysayan at kalayaan ng ating bansa. Pawang ipinanganak na taglay ang katangian ng pagiging isang lider o bayani, pawang matapang, matalino, minamahal ang inang bayan, at higit sa lahat ay handing mamatay para sa bayan. Ngunit ang tanong Sino nga ba sa dalawa ang higit na nararapat? Pambansang Bayani, iyan ang tawag kay Dr. Jose Rizal dahil sa kanyang walang takot na pagsulat ng mga sanaysay, artikulo at libro na ang layinin ay maimulat ang mga Pilipino sa mga masasamang gawain at pagtrato ng mga kastila, hindi nito hinahangad ang paglisan ng mga Kastila sa ating bansa kung hindi ang layunin nito ay patamaan lamang ang mga pari sa kanilang masamang gawain. Sa pamamagitan ng mga sulating ito, nagkaroon ang mga Pilipino ng lakas ng loob upang mag-alsa laban sa mga Kastila at isa na rito si Bonifacio. Bagama’t alam ni Rizal na malalagay sa alanganin ang kanyang buhay, itinuloy pa rin niya ito. Ngunit sa iyong palagay, si Dr. Jose Rizal lang nga ba ang maituturing nating Pambansang Bayani? Sa aking opinion, higit na karapatdapat si Andres Bonifacio na tawaging Pambansang Bayani ng Pilipinas. Batay sa talambuhay ni Bonifacio, siya ay nagmula sa mahirap na pamilya, namatay ang kanyang mga magulang sa murang edad, at siya lamang ang nagtaguyod sa kanyang sarili at mga kapatid sa pamamagitan ng pagtinda

More about Pambansang Bayani Ng Pilipinas

Open Document