Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik Sa Filipino Ii Thesis

2312 Words10 Pages
I. INTRODUKSYON Tungkulin ng mga kabataan ang mag- aral. Kapag ang mga mag-aaral ay napagod na sa kanilang pag-aaral halimbawa’y sa kanilang pagrerebyu , may dalawang bagay sila na maaaring gawin: Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at ang ikalawa ay ang paghahanap ng mapaglilibangan at random na kaalaman sa pamamagitan ng pagsangguni sa tinatawag na “digital miracle” – ang Internet, na kung saan ito’y isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang makipagkonekta sa mga kompyuter sa iba’t ibang uri ng telekomunikasyon at iba pa kung saan walang nakatagong datos sa publiko. Sa tanang kasaysayan ng edukasyon, malaki na ang naimbag ng internet. Sa katunayan, ang internet ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali, mabilis at mabisa. Kung kaya naman at napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa internet para sa kanilang pag-aaral. Ngunit, ang internet ay nagbibigay rin ng kaligayan at kaaliwan sa mga mag-aaral. Dalawa ang pinakamadalas na ginagawa ng mga mag-aaral kapag sila ay sumasangguni sa internet: Ang “social-networking” na kung saan ito’y naging pangunahing instrumento sa madaling komunikasyon tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Instagram at iba pa. At “Online Gaming” na kung saan kinahuhumalingan dahil sa mga grapiko nito tulad ng Defense of the Ancient, Mercenary, iDate at iba pa. At dito, isinisilang ang mga kakaibang salita na pinagtatakahan kung paano at saan nagmula at karaniwang naririnig sa mga mag-aaral. Ito ay ginagamitan ng teoryang Sosyalismo na tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunang organisasyon na nagtataguyod sa estado o sama- samang pagmamay- ari. II. Problema at Suliranin Ang pag- aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga salitang ginagamit

More about Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik Sa Filipino Ii Thesis

Open Document