Mga Salik Sa Pagdami Ng Mga Maliliit Na Negosyo at Epekto Nito Sa Ekonomiya Ng Pilipinas

4531 Words19 Pages
Panimula Ano ang negosyo? Batay sa Wikipedia, ang negosyo ay isang gawain o interes na pinaghihirapan ng isang tao upang ito ay lumago. Pinagbubuhusan ng pawis, pag-iisip at pera ang negosyo upang magkaroon ng kita. Ito ay isang gawaing komersiyal upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang mga lipon ng negosyo ang bumubuo sa industriya. Ito ang nakatutulong sa pag-angat ng bansa upang makipagsabayan sa iba pang mga bansa. Ang pagnenegosyo ay parang sugal. Ayon pa kay Cristal, pwede kang manalo o pwede kang matalo. Pwede kang manggulang o pwedeng ikaw ang magulangan. Masarap magnegosyo. Ikaw ang amo ng sarili mo. Ikaw ang CEO, ikaw ang bahala sa direksyon ng negosyo mo. Mali ang persepsyon na habang malaki ang kapital na inilagak mo sa negosyo ay mas malaki rin ang balik ng kita. Sa katunayan, may mga negosyong nagsimula lang sa puhunang PhP 500 na umuunlad talaga. Tayong mga Pilipino ay walang talento sa pagnenegosyo ng gaya sa mga Intsik. Karamihan sa mga Pilipinong nagnenegosyo ay nalulugi din. Sabi naman sa Great Women Project, sa Pilipinas, marami sa maliliit na negosyo sa Pilipinas ay sinisimulan at tinataguyod ng mga kababaihan. Kapag maunlad na ang negosyo, ang kanilang kabiyak ay nagkakaroon ng malaking bahagi sa pagpasiya. Batay din sa pag-aaral, ang tagumpay sa pagnenegosyo ay hindi lang nakasalalay sa salaping kapital. Ito ay naaayon din sa kakayahan ng isang babae na mag-ambag ng panahon at pagod, lalo na kung isasaalang-alang ang iba niyang pangangailangan at tungkulin. Higit sa lahat, anumang pagnenegosyo ay nangangailangan ng masusing pagplaplano at istratehiya sa pagbebenta. Ang pagpapaunlad ng negosyo ay karaniwang nakasalalay sa pagkakaroon ng impormasyon, pautang, teknolohiya, merkado at sapat na serbisyong pangkalakal. Ang karaniwan na maliit na negosyo sa Pilipinas ay ang paggamit ng computer. Ayon pa sa Negosyanteng Maliit, Sa Kita Ay

More about Mga Salik Sa Pagdami Ng Mga Maliliit Na Negosyo at Epekto Nito Sa Ekonomiya Ng Pilipinas

Open Document