Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

1585 Words7 Pages
PANIMULA Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na. Lahat ng mga Pilipino ay may tungkulin sa pagmamahal sa sinilangang bayan at, natural, sa sariling wika. Sa wika na lamang siguro natin maaaring makita ang pagkakaiba natin sa ibang mga tao sa mundo, lalo na ngayon na maaaring ibahin o baguhin ang kulay ng ating balat, ang anyo ng ating mukha at kahit na ang hugis ng ating katawan. Ang wikang Filipino ay ang nalalabing diwa ng ating damdaming makabayan at pambansang pagkakaisa at kailangan natin itong bigyan ng kaukulang pagpapahalaga. PAGTALAKAY Ang bawat panahon ay may sariling kasaysayan. Ang bawat kasaysayang ito ay may epekto sa umuusbong Panitikan ng panahong mga ito. Malaki ang impluwensiya ng Kasaysayan sa Panitikan sa mga panahon ito. Iisa ang layunin--malaman natin ang kasaysayan ng ating lahi, ang idealismong Pilipino, and ating pananampalataya at ang ating mga paniniwala, kultura at kasipagang panlipunan. Sa madaling salita--paghubog sa kabutihan at nasyonalismo. Matalik na magkaugnay ang panitikan at Kasaysayan. Sa pag-talakay ng kasaysayan ng isang lahi, tiyak na kasama rito ang damdamin, saloobin, kaugalian, o tradisyon ng lahing ito. Ang lahat ng ito kapag naisatitik ay tinatawag na Panitikan. PRE-KOLONYAL ( Bago dumating ang mga Kastila, bago mag-1521) Noong panahon ng pre-kolonyal may labimpitong letra ang ating alibata, tatlo ang patinig, labing-apat ang katinig. Ang alibata ay tagapagbadya ng mga nasulat na kaisipan ng mga ninunong Pilipino. Ipinag-utos ng Haring Felipe II ng Espanya noong 1594 para sa ikadadali ng pag-aaral sa pagkaunawa sa wikang Pilipino mga lubusang naipino na hatiin ang kapuluan sa apat ayon sa mga orden na naririto sa Pilipinas. Ang mga misyonaryong ito ang lubusang nag-aral ng

More about Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Open Document