Handog Ng Pilipino Sa Mundo

2633 Words11 Pages
Handog ng Pilipino sa Mundo In Partial Fulfilment of the course requirement in Filipino II Under Ms. Rosemarie Reynera Gandawali, Hannah A. Bachelor of Secondary Education I - Helpfulness Talaan ng Nilalaman Panimula ……. I. Kalikasan ng Pilipino a. Natatanging mga Kaugalian ng mga Pilipino b. Mga Pilipino sa Iba’t ibang Larangan II. Mayaman ang Kultura ng bansang Pilipinas a. Mga Pansibikong Pagdiriwang b. Samu’t saring Pagkaing Pinoy III. Magagandang Tanawin sa Pilipinas a. Mga kilalang pook pasyalan sa Pilipinas IV. Kongklusyon a. Maipakita ang husay na taglay ng mga Pilipino V. Ebalwasyon a. Mailahad ang analisis batay sa pangkalahatang katangian ng mga Pilipino VI. Bibliyograpi Panimula Ang Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng 7,107 kalat-kalat na malalaki at malilit na mga isla. Ang milya-milyang pagitan ng mga pulong ito ang lumalarawan sa istruktura ng ating bansa. Sabi nila, ang lahing Pilipino ay mula sa iba-ibang uri ng pangkat ng mga sinaunang tao na unang dumaong sa ating bansa, higit lalo ang pagiging dominante ng lahing Malay sa ating katauhan. Sa paglipas ng panahon, higit na tumingkad ang anyo ng ating pagka-Pilipino sa pagdating ng mga dayuhang mula sa kanluran na naakit sa pambihirang tanawin at likas na yamang taglay ng ating bayan, sanhi upang sila’y manahan ng matagal sa bansa, ang ilan ay ating naging kaibigan ang karamihan naman ay nilagyan tayo ng busal sa bibig at tanikala sa sariling lupang tinubuan. Dahil sa tagal ng panahong sila’y nanirahan sa atin, sila’y naging asawa ng mga Pilipino, kaya’t muling nahaluan ng ibang nasyon ang ating kaanyuan. At dahil sa matagal na pagtigil nila sa Pilipinas, natutunan nating yakapin ang sari – saring kultura ng bawat dayuhang ating nakasama, bunga nito nagkaroon ng higit na makulay na pamumuhay ang mga

More about Handog Ng Pilipino Sa Mundo

Open Document