Filipinas O Pilipinas

728 Words3 Pages
Evangelista, Pearly Ann P. 2012-78501 Kas 1 Reaction Paper Filipinas o Pilipinas bilang pangalan ng bansa Kung ikaw ang papipiliin, ano ang gusto mong pangalan ng bansa natin? Filipinas o Pilipinas? Filipinas o Pilipinas. Ano ang mayroon sa pangalan, lalo na kung ang isang letra lamang ang babaguhin? Ano ang mayroon. Sa aking opinyon, ang mga bagay na ganito ay dapat na pinaguusapan ng mabuti, sa kadahilanang ito ay ang pangalan ng bansa at hindi basta-basta ordinaryong salita. Isa itong napakahalagang usapin dahil maraming bagay ay nakapaloob sa pangalan ng bansa na: ang kasaysayan nito, politika, ang identidad ng mga tao rito at sa dami pa ng kailangan baguhing mga bagay upang mapalitan ang mga P sa F sa mga selyo at iba pa para lamang matapos na kontrobersyang ito. Ang isa pa, kahit na sabihing mayroon nang F sa modernong alpabeto, hindi naman ito nangangahulugang dapat nang baguhin ang nakagisnan. Malinaw na kakaunti pa rin ang mga salitang nagsisimula sa titik na ito, at marami pa nga sa mga ito ay hiram sa mga dayuhang wika. Maraming kababayan natin ang gusting magpahayag ngayon ng kanilang mga reaksiyon o opinion dahil sa pagpapalit ng pangalan, na nag dapat gamitin ay “Filipinas sa halip na “Pilipinas.” Sa pagbabagong ipinatutupad na ito ay nababanggit din ang “Philippines bilang isa sa pangalan ng ng bansa na dapat ring baguhin at palitan ng “Filipinas.” “National Confusion.” Ang dahilan ng pagkakaroon nito ay ang eksistensya ng tatlong pangalan para sa ating bansa. Una ay “Filipinas” na ibinigay na pangalan noong ay bansa ay naging bahagi ng kolonya ng Espanya noong ika-16 na siglo, --- “Islas Filipinas” hango sa pangalang ni Philip II, hari ng Espanya. Pangalawa ay “Philippines” na naging pangalan ng bansa ng naging bahagi naman ng kolonya ng Amerikano noong 1898. At ang pangatlo ay ang “Pilipinas” na base sa orihinal na letra sa lumang

More about Filipinas O Pilipinas

Open Document