Ang Araw Ng Aking Kapanganakan

1772 Words8 Pages
Alyia Martha B. Alcancia Section D-5R Ang Araw ng Aking Kapanganakan Ang bawat taon, bawat panahon at araw na lumilipas ay mahalaga para sa lahat. Di man natin napapansin, ang bawat sandali sa ating mundo ay tumatatak ng panibagong tala sa kasaysayan. Tulad ng araw ng aking kapanganakan di lamang ito mahalaga para sa akin at sa aking pamilya, bagkus ito’y importanteng araw din sa ating bansa. Ang araw na iyon ay may gampanin din sa kasaysayan ng Pilipinas, kung kaya’t ako’y malugod na tuklasin ang mga pangyayaring naitala sa araw ng aking kapanganakan. Narito ang ilang mga tala sa kasaysayan ukol sa Araw ng ikatatlumupu ng Marso. Bago ang lahat, ipapakilala ko muna ang aking sarili. Ako si Alyia Martha Buenviaje Alcancia. Ipinanganak ng malusog sa bayan ng San pedro noong Marso 30,1995. Isa ako sa dalawang anak ni Rachel Buenviaje at Ronald Alcancia. Ako ay may isang kapatid na babae, na nagngangalang Hannah. Kami ng pamilya ko ay naninirahan sa bahay ng aking lola. Masaya kaming nagsasama sa isang bahay. Ang tanda ng aking Zodiac ay Aries. Tiyak na sumasanga-ayon ako sa aking Zodiac, dahil ang aking personalidad ay tugma sa katangian ng isang Aries. Ako’y isang taong naglalaan ng malaking halaga sa pamilya, mapagbigay sa mga kapus-palad na bata at nakikilala ko ang aking sarili bilang isang tao na lumalaban sa kanyang karapatan at naninindigan sa kanyang sariling pananaw. Mahilig din akong tumugtog ng piano at ng gitara. Masasabi ko na nasa pamilya namin talaga ang pagkahilig sa musika. Kasabay ng aking pagsilang ay ang pagdiwang ng kaarawan ni Enrique Marie Bacay Gil. Siya naman ay ipinanganak noong Marso 30, 1992. Isa siyang tanyag na aktor at modelo ng Pilipinas. Bagama’t may halong dayuhan ang kanyang katauhan, makikita naman sa kanyang pag-arte ang kanyang natural na pagka-Pinoy. Siya’y nakilala sa palabas na Budoy, sa karakter ni BJ. Dahil sa

More about Ang Araw Ng Aking Kapanganakan

Open Document